Suplado sa personal

Minsan mangyayari sa buhay mo na may makakausap kang tao at maiisip mo, “ito na ang huling pakikipagusap ko sa taong to”, hindi mga bumbay ang tinutukoy ko, kundi yung mga taong sensitibo sa puna ng iba. Kadalasan kasi masyado nating minamasama kapag may ibang pumupuna sa atin, pisikal na anyo man o kahit sa ugali, madalas tinatawaran natin itong insulto o pangmamaliit sa pagkatao, sabi nga sa libro dapat tinatanggap natin ang mga puna ng ibang tao para ayusin o pagbutihin natin ang ating mga sarili, yun ang tama yun ang mas ayos.

Mga ilang linggo na nakalipas nung magka-ayaan kami nung kaibigan ko na lumabas para makapagrelax, napadpad kami sa harap ng building ng isang malaking istasyong pantelebisyon sa bansa, dun kasi sya nagtatrabaho kaya komportable sa kanya kung duon kami magkita, isa pa mura ang isang bucket dun kumpara sa ibang bar, masaya naman ang kwentuhan, kamustahan tungkol sa buhay buhay, masarap ang sisig, saka yung pusit, nagko-compliment sa beer ika nga, ito yung senaryo na lagi kong pinapangarap tuwing biyernes ng gabi.

Maya maya tumawag yung isang kaibigan ng kaibigan ko at nagpahiwatig na gusto rin nilang maki-join sa amin, tinanong ako ng kaibigan ko kung ok lang ba daw na may sumalo sa amin, sabi ko naman ok lang sa akin, the more the merrier diba (manier sana sasabihin ko kaya lang naisip ko gasgas na gasgas na yun). Mga ilang oras pa, dumating na yung sinasabi ng kaibigan ko, medyo nabigla ako dahil parehong chicks pala, kala ko male species din, so mas ok naisip ko, para hindi lang kaming dalawa ng kaibigan ko ang nagbobolahan.

Enjoy naman sila kausap, mga ilang beer din ang naubos namin, hanggang masaraduhan na kami ng bar dahil alas dos na ng umaga, akala ko maguuwian na din kami nang biglang magaya yung dalawa para lumipat sa ibang bar na bukas, ok lang naman sa akin tutal wala naman pasok kinabukasan, kaya lumipat nga kami sa ibang bar, medyo malalim na ang kwentuhan namin ng biglang naisingit ng kaibigan ko na magkapatid pala sila, sumangayon naman ang dalawa sabay sabi ng isa na sya daw ang panganay, duon ako nabigla dahil buong pagaakala ko yung mas chubby ang mas matanda, base na rin sa itsura nilang dalawa kung ipag kukumpara sila, “akala ko ikaw yung mas matanda eh! haha” sinabi ko sa kanila, dun biglang tumahimik yung isa. First time kong nakakita ng babaeng umistreyt ng inom sa isang bote ng beer, “mukhang na-offend ata” bulong ko sa kaibigan ko, “hindi yan pre ok lang yan.” sabi ng kaibigan ko, “pare inistreyt yung isang bote ng beer, hindi normalĀ  yun paano mo sasabihing ok lang yan?” sagot ko uli.

“Yun talaga ang akala ko, i’m just saying…” sabi ko, “well it’s a bad remark” pinutol nya yung pagsasalita ko, “well i’m sorry for that, i didn’t know you’re that sensitive…” sabi ko uli, “its not about me being sensitive, it’s about you being a total jerk!” sagot nya uli tapos biglang tumayo at umalis. Nagulat ako nun, nagisip-isip, sabi ko sa sarili ko, ano ba yung ibig sabihin ng ‘jerk’? Oo nag-inglesan kami, buti na lang nakainom ako, magaling ako magingles pag nakainom. Eh yun naman talaga ang tingin ko sa kanila, mas mukhang bata yung isa kesa sa kasama nya, kung pagbabasehan ko yung pisikal na na anyo nilang dalawa. Hindi ko na inisip, inubos ko na lang yung beer ko at nagpaalam na lang ako sa kaibigan ko at nagtaxi pauwi.

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakasalamuha ng taong ganung ka sensitive, di ko nga alam kung sensitive nga sya o insecure lang siguro, o siguro dahil medyo me kalangaun na rin sya nung oras na yon. Mga ilang araw ang nakalipas nung nagkita uli kami ng kaibigan ko, dumalaw sya sa gallery, normal naman sa amin yun dahil madalas sya dun, wala na sa isip ko yung nangyari nang bigla nyang pinaalala uli, pinarating nya yung paghingi ng paumanhin nung kaibigan nya, sabi ko hanep me messenger pa, pero tinanggap ko naman, sabi ko wala yun, pero humirit pa sya sabi nya na susunod daw yung dalawang kaibigan nya sa gallery, hindi ako sumagot, dali dali akong bumalik sa kwarto ko at nag patay ng computer, bago pa man sila makarating sa opisina, umalis na ko at binilin na lang sila sa boss ko, sabay sibat papauwi. Sabihin nyo nang suplado ako pero yung ganung klase ng tao ang binabanggit ko nung una… para sa akin yung una naming pagkikita, yun na rin ang huli… me pa jerk jerk pa syang nalalaman.

Tagged , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.